Tuesday, May 5, 2009

Dear Manong, kelan ka kaya magbebehave?


"Carol...! Carol...! Carol...! "

Napalabas ako ng kwarto kanina. Nagtaka ako kung bakit may tumatawag na "Carol" sa bahay. Pagbaba ko, mga bata. Tinatawag nila si Manong. Haha. Napa-huh? nalang ako at inisip ko kung bakit. Baka naman akala nila na "Carol" ang pangalan ni Manong, hehe. Naisip ko, di naman yata bagay sa isang bruskong bulldog ang Carol. Bago 'to mangyari, may mga lalaki din na sumisilip sa bahay at tinatawag na "pangit" si Manong. Sumigaw kami ni Dani ng "mas pangit ka!". Haha. Ang sama nila =c

Carol. Manong. Carol. Manong. Carol. Manong. Carol. Manong.

Magkatunog ba?

No comments: