ARTEEST KA BA? The 3rd Annual Artwork T-Shirt Design Competition
Whew! At natapos din. Ginawa ko 'to nung day na mismo yung deadline. Simple lang siya. Pumunta pa ko sa SM Manila ng mga 8.00 ng gabi para i-submit. Sobrang nag-cram ako dito at nanonood ng Pacquiao VS Cotto habang nagpipinta, hehe. Congrats Pacman!
Nagpasama ako kay Paolo kanina papuntang Robinson's Manila para bumili ng sapatos. Dumiretso kami sa Luneta Park agad kasi may practice yung block nila ng cheerdance. Alas-sais na nun kaya madilim na. Habang naglalakad kami sa gilid ng park, may nakita kaming lalaking nakatayo sa gilid. Nilayo agad ako ni Paolo dun sa lalaki. Pagkalagpas namin sa kanya, napatingin ako sa likod ni Paolo. Nagulat ako kasi may babaeng nakahawak sa bag niya. Akala ko nung una mangangalabit lang para humingi ng limos. Pero nung pagkakita ko sa kanya, bigla siyang umalis. Tiningnan ko yung bag ni Paolo at napansing nakabukas na yung zipper. Ay! Mandurukot pala si ate! Buti nalang, charger at scientific calculator lang ang laman. Whew! Sobrang natakot ako. Ayoko nang pumunta sa Luneta kahit kailan. Habang nagpapractice sila, sobrang paranoid ko. Bawat tao na dumadaan, kinikilabutan ako. Sobrang takot akong manakawan. Nung grade 4 ako, parati akong nananakawan ng pera. Nung grade 6 ako, binasag yung salamin ng kotse namin sa Tagaytay at nakuha yung bag ng nanay ko, at ako ang may kasalanan nun. Ayoko nang maulit yun. Lalong lalo na, ayokong ma-hold up. Traumatic. Si Xeth, nahold-up siya sa may kanila. Tinutukan siya ng baril at nakuha lahat pati papers niya sa school pati na yung niregalo ko sa kanyang bag. Nakakatakot.
Muntik na ko'ng gumulong sa kakatawa kanina nung nasa bus ako papuntang school. Nanonood ako ng Eat Bulaga, sakto Pinoy Henyo na. Dalawang babae yung huling contestant. ARNOLD CLAVIO yung salitang pinapahulaan.
Maraming ganto sa dingding ng kwarto ko. Hindi ko malaman kung ano siya talaga at kung san siya galing. Para siyang cocoon na may maliit na uod sa loob. Weird. Wala naman akong nakikitang insekto na nagpro-produce ng ganto sa dingding. Ang dami talaga nila. Sa t'wing tatanggalin ko sila, magkakaron ulit after 24 hours. May isang dosenang angkan na siguro sila sa kwarto ko. Nakakatakot. Hindi naman madumi ang kwarto ko para mamungad sila. Magulo, oo. Pero madumi, hindi.
Pumunta ako sa Power Mac sa MOA. Hardware daw niya ang problema. Ang sabi sakin nung crew, "Ma'am, hardware po ang sira. Hindi na po siya mare-repair." Naiyak ako nung pagkasabi niya. Seryoso?! Kung under pa daw siya ng warranty period, pwede pa nilang palitan ng libre, eh nga lang mahigit dalawang taon na siya sakin. Nakakabaliw. Tapos, pumunta ako sa Power Mac Greenbelt. Ang sabi sakin may dalawang options daw ako. 1) papalitan nila ng hardware worth Php6,960.00 or 2) bebentahan nila ako ng same model na may 10% discount. Wala din akong napili sa dalawang options kasi wala din naman akong ganun kalaking pera. Nahihiya ako humingi sa nanay ko ng pampa-ayos kasi binilhan na niya ako ng ganto (na mas mahal ang presyo kesa ngayon dahil unang labas palang) at sa kanya na din ako humingi ng pampa-ayos ng battery ni Ciro dati na umabot sa Php2,500.00. Ito na siguro ang sign na dapat na kong matutong wag maging gastador at mag-ipon.
Umuwi ako nang malungkot =(
Kailangan din ni Qlara (laptop) na magpagamot. Napapansin ko lang na pag nasisira si Podi ay nasisira din ang iba kong gamit. Parang dati after ko mag retreat at field trip sa Baguio 'nong 4th year, sabay sabay silang lahat na nasira.:Ciro, Qlara, Howie (digital camera), at ang charger ni Hector (PSP) =|.
Kung kelan ako nagdesisyong mag-ipon, saka naman nawalan ng pasok ng isang linggo. Badtrip.