Tuesday, October 6, 2009

Luneta

Nagpasama ako kay Paolo kanina papuntang Robinson's Manila para bumili ng sapatos. Dumiretso kami sa Luneta Park agad kasi may practice yung block nila ng cheerdance. Alas-sais na nun kaya madilim na. Habang naglalakad kami sa gilid ng park, may nakita kaming lalaking nakatayo sa gilid. Nilayo agad ako ni Paolo dun sa lalaki. Pagkalagpas namin sa kanya, napatingin ako sa likod ni Paolo. Nagulat ako kasi may babaeng nakahawak sa bag niya. Akala ko nung una mangangalabit lang para humingi ng limos. Pero nung pagkakita ko sa kanya, bigla siyang umalis. Tiningnan ko yung bag ni Paolo at napansing nakabukas na yung zipper. Ay! Mandurukot pala si ate! Buti nalang, charger at scientific calculator lang ang laman. Whew! Sobrang natakot ako. Ayoko nang pumunta sa Luneta kahit kailan. Habang nagpapractice sila, sobrang paranoid ko. Bawat tao na dumadaan, kinikilabutan ako. Sobrang takot akong manakawan. Nung grade 4 ako, parati akong nananakawan ng pera. Nung grade 6 ako, binasag yung salamin ng kotse namin sa Tagaytay at nakuha yung bag ng nanay ko, at ako ang may kasalanan nun. Ayoko nang maulit yun. Lalong lalo na, ayokong ma-hold up. Traumatic. Si Xeth, nahold-up siya sa may kanila. Tinutukan siya ng baril at nakuha lahat pati papers niya sa school pati na yung niregalo ko sa kanyang bag. Nakakatakot.

Pinoy Henyo: ARNOLD CLAVIO


Muntik na ko'ng gumulong sa kakatawa kanina nung nasa bus ako papuntang school. Nanonood ako ng Eat Bulaga, sakto Pinoy Henyo na. Dalawang babae yung huling contestant. ARNOLD CLAVIO yung salitang pinapahulaan.

(hindi eksaktong pagkakasabi)

girl 1: tao?

girl 2: oo!
girl 1: artista?
girl 2: oo!
girl 1: may show sa gabi?
girl 2: hindi!
girl 1: sa tanghali?
girl 2: hindi!
girl 1: sa umaga?
girl 2: oo!
girl 1: umm...action star?
girl 2: oo!
girl 1: Lito Lapid?
girl 2: hindi!
girl 1: Bong Revilla? etc...
girl 2: hindi! hindi!
girl 1: artista?
girl 2: oo!
girl 1: action star?
girl 2: oo!!!
girl 1: ARNOLD CLAVIO!

Ahahaha! Hindi ko alam kung paano nila nakuha. Silang dalawa lang yung nagkaintindihan. Hindi ako maka-get-over hanggang ngayon.